Biyernes, Pebrero 7, 2025

Kwento ng kwento

KWENTO NG KWENTO

talagang pinaghuhusayan ko
ang pagkatha ng maikling kwento
nagbabakasakali lang ako
na makatha ang nobelang plano

simulan muna sa kwentong munti
subukan ang pabula o dagli
paksa ko'y kontrabida ang hari
at bayani'y yaong aping uri

batay sa dinanas bilang tibak
at sa mga gumapang sa lusak
ideya't isyu nga'y tambak-tambak
di mauubos ang bala't pitak

basta ako'y katha lang ng katha
diwa'y sinasanay sa paglikha
balang araw, nobelang inakda
sa taumbayan mananariwa

- gregoriovbituinjr.
02.07.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tatlong libreto ng tulâ sa tatlong taon

3 LIBRETO NG TUL Â  SA 3 TAON Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Mula 2006 ay nakapaglathala na ako ng mga aklat. Una na an...