Biyernes, Pebrero 20, 2026

Sampung biskwit, sampung tubig sa booklet launching

10 BISKWIT, 10 TUBIG SA BOOKLET LAUNCHING

dapat lang paghandaan, baka may dumating
sa mga inimbitahan sa booklet launching
tigsampung tubig at mineral water lamang
ang inihandâ, na aming pagsasaluhan

di na bumili ng isang bilaong pansit
na pag di naubos ay tiyak mapapanis
handâ para sa darating na sampung tao
pa'no kung gaya ng dati? dumating tatlo

mabigat buhatin, higit pitong kilo na
kasama ang limampung bagong libreto pa
pati lumang kopya ng mga unang aklat
ay dinala na rin kaya gayon kabigat

iyan ang simpleng handâ ng abang makatâ
para sa kampanyang hustisya't mga tulâ
ito'y alang-alang sa ikatatagumpay
ng lunsad-aklat, lahat ay gagawing tunay

- gregoriovbituinjr.
02.20.2026 (World Day of Social Justice)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Salamat sa mga sumuporta sa booklet launching

SALAMAT SA MGA SUMUPORTA SA BOOKLET LAUNCHING salamat sa mga sumuporta sa booklet launching mabuhay kayo, mga kasama't katoto man din mg...