ANG AKLAT NI KA DODONG
ang Notes from the Philippine Underground
tatlong daang higit ang pahina
na aklat ni Ka Dodong Nemenzo
ay nasa Philippine Book Festival
nagbutas pa ako ng tibuyô
nang mabili ang nasabing libro
ganyan ang aktibistang Spartan
kung gustong bumili, may paraan
presyo'y higit limang daang piso
sa booth ng UP Press puntahan n'yo
collector's item ko na ang libro
sa libreng oras babasahin ko
sa Philippine Book Festival, tara
maraming aklat kang makikita
basahin ang aklat ni Ka Dodong
may ningas kang matatanaw doon
- gregoriovbituinjr.
03.14.2025
* Ang Philippine Book Festival sa 4th Flr. ng SM Megamall ay mula Marso 13 hanggang 16, 2025.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Hinggil sa Lunsad-Aklat ng Disyembre 9
HINGGIL SA LUNSAD-AKLAT NG DISYEMBRE 9 akala ko'y lalangawin ang Lunsad-Aklat mabuti na lamang, may dumating na tatlo sila'y pawang ...
-
Bukrebyu: BANAAG AT SIKAT ni Lope K. Santos Maikling sanaysay ni Greg Bituin Jr. Nabili ko nitong Hulyo 26, 2019 ng hapon ang aklat...
-
DALAWANG LIBRENG LIBRO MULA NATIONAL MUSEUM OF THE PHILIPPINES Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa unang araw pa lang ng ...
-
AKLAT NI AT KAY LUALHATI BAUTISTA Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Kilala natin si Lualhati Bautista bilang manunulat ng ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento